TV

RECIPE: Rochelle Pangilinan's Nutri-Sarap Christmas Pancit Canton

Mga Sangkap:

2 kutsarang mantika
5 butil na bawang chopped
1 piraso sibuyas, chopped
¼ kilo pork, hiniwa ng manipis
50 g atay ng manok, binabad sa toyo at kalamansi at na-prito na
150 g hipon, binalatan
1 maliit na pirasong carrot, sliced thinly
¼ tasa chicharo
1/2 piraso red bell pepper, sliced thinly
1/2 piraso green bell pepper, sliced thinly
½ pirasong repolyo o baby pak choi, sliced
½ tasa toge
1 tali kintsay, chopped
½ litrong tubig
2 pirasong Knorr Shrimp Cubes
1 kutsarang toyo
1 kurot pamintang durog
1 pack (240 g) pancit canton noodles

Paraan sa pagluluto:

1. Igisa sa mainit na mantika ang bawang at sibuyas kasama ang pork. Kapag nag-brown na ang pork, isama na rin sa paggisa ang pre-cooked atay ng manok. Isabay na rin ang hipon.
2. Ilagay na rin ang mga gulay na hiniwa ng manipis at pahaba - carrot, chicharo, red at green pepper, repolyo or pak-choi, toge at kintsay. Hayaan maluto sa loob ng isang minuto.
3. Dagdagan ng tubig at pagkatapos, ilagay ang Knorr Shrimp Cubes.
4. Ilagay na rin ang toyo at hayaang kumulo hanggang matunaw na ang Knorr Shrimp Cubes. Timplahan ng paminta.
5. Alisin muna ang mga karne at gulay sa kawali. At ilagay naman ang canton noodles sa kumukulong sabaw.
6. Huwag kalimutang haluin para ma-absorb ng noodles ang mga flavor sa sabaw ng pinag-gisahan.
7. Kapag lumambot na ang noodles, i-transfer ito sa serving platter, i-arrange ang mga karne sa ibabaw at ilagay rin sa ibabaw ang mga gulay.