TV

Chef Boy Logro, binisita at ipinagluto ang sirenang si Alona


Simula na ng summer kaya’t nakitampisaw ang Kusina Master kasama ang napakagandang sirena na si Alona (ginagagampanan ni Louise delos Reyes sa programang Kambal Sirena).

Dahil sa hindi biro ang ginagawa ni Louise sa kanyang pagganap bilang Alona, naghanda sila Chef Boy Logro at Boobay ng isang dish na siguradong magugustuhan ng dalaga. Para sa araw na iyon, nagluto sila ng Crab Claw Lollipop and Aligue Mayo.

Naaangkop ang dish na ito dahil summer at sila ay nasa tabing dagat. Sa paghahanda ng Crab Claw Lollipop, kailangan lamang itong i-season with salt and pepper. Pagkatapos ay ibababad ito sa flour, beaten eggs, at bread crumbs saka i-fry.

Sa dip naman, paghahaluin ang aligue at mayonnaise. Habang hinahalo ito, kailangang mag-fry ng bawang at saka ihalo ang aligue at mayonnaise ng ilang segundo para mainitan ito.

Dinala nila Chef Boy at Boobay ang kanilang niluto kay Alona at excited na tinikman ito ng sirena. “Sarap!,” sagot ni Alona.

“Puwede mo 'yang dalhin sa Serenadia kung gusto mo, ha?,” biro ni Boobay.

“Oo naman, i-share ko to sa Lola Arowana ko,” sagot ni Alona.

Mahirap man ang role ni Louise bilang Alona, masaya naman sina Chef Boy at Boobay na nakapaghanda sila para maibsan ang pagod ng dalaga.

“Nako master, in fairness kay Louise ang hirap talaga ng role niya. Grabe! Pero at least natanggal natin yung pagod niya nung natikman niya ang ating lollipop na crab,” pahayag ni Boobay.

“Ang hirap pala ng kanyang papel. Nagpapalit siya ng buntot tapos may paa. Mabuti na lang at nasarapan siya [sa dish na inihanda natin],” saad ni Chef Boy.

Abangan kung ano ang susunod na dish na ihahanda ni Chef Boy Logro sa Kusina Master. Monday to Friday, pagkatapos ng Dragonball Z.

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com