TV

Ano ang secret food ingredient na hinahanap ni Yasmien Kurdi?


Lutong may puso.

Ito, pag-amin ni Rhodora X star Yasmien Kurdi, ang kanyang hinahanap sa pagkain. At natatawa niyang ipinahayag na mahilig siyang kumain ng kahit na ano basta’t ito’y niluto nang may pagmamahal.

Pero ang paborito niya ay seafood.

Kaya naman tuwang-tuwa siya nang maging guest siya sa last episode ng Kusina Master dahil ang dish na niluto ni Chef Boy Logro para sa kanya ay Lobster Thermidore.

Kuwento ni Yasmien, very special ang episode na ‘yun dahil first time umano niyang kumain ng lobster. “Ang sarap, grabe. Grabe pala. Masarap pala ‘yung lobster. Ngayon ko lang nalaman, kaya pala siya mahal. Kasi ‘yung lobster talaga mismo masarap,” aniya.

Dagdag pa ni Yasmien, mahilig siya sa crab at oyster.

“Actually mahilig ako sa mga kakaibang Filipino food na talagang ‘yung luto nila na parang mayroong puso. Alam mo ‘yung parang may heart ka sa pagluluto. Any cuisine naman e, pero mahilig lang talaga ako kumain. Lahat siguro! Lahat!” pahayag niya.

Na-enjoy raw niya ang pagge-guest sa taping dahil sa “super light” at “natural” na atmosphere. Nakakatuwa raw kasama sina Chef Boy Logro at ang umaaktong sous chief nito na si Pekto.

“Nakakatawa sila together kaya tawa lang ako nang tawa sa buong episode. Kung nakikita ninyo, puro ngiti lang ‘yung ginawa ko.  At kain, ‘yun ang pinakamasarap doon e,” dagdag niya.

Tingnan ang photos ng first time ni Yasmien na kumain ng lobster sa gallery na ito.

Mapapanood si Yasmien Kurdi sa Rhodora X, Mondays to Fridays pagkatapos ng Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw.

Para sa updates kay Yasmien at sa iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com