TV

Boobay, Divine at Ian Red, nadepensahan ang kampeonato sa 'Laff, Camera, Action!'

By CHERRY SUN

Muling nagwagi ang grupo nina Boobay, Divine at Ian Red sa kanilang ikalawang salang sa hamon ng improvisation sa Laff, Camera, Action!

READ: Boobay, Divine at Ian Red, wagi sa 'Laff, Camera, Action!' kahit unang beses pa lang nakatrabaho ang isa't isa 

Hindi raw makapaniwala ang defending champions sa kanilang muling panalo dahil magagaling daw ang kanilang mga nakatapat na sina Rafa Siguion-Reyna, AJ at Le Chazz.

Nahirapan man sila, thankful pa rin sina Boobay, Divine at Ian Red sa kanilang bagong tagumpay sa pagpapatawa.

Sambit ni Ian Red, “Ipinapangako po namin sa inyo na bawat eksena, papasayahin po namin kayo.”

“At talagang super thankful kami sa lahat ng mga nakakapanood dahil nakikita po at naa-appreciate ‘yung strategy na ginagamit namin at ginagawa naming tatlo,” dagdag ni Boobay.

Alay rin daw nila ang kanilang pagkapanalo sa kanilang mga tagasuporta. Ani Divine, “Itong sweet success naming ay para sa inyo.”

 

Balikan ang super laff trip na pagganap nina Boobay, Divine at Ian Red:

 

MORE ON LAFF, CAMERA, ACTION!:

EXCLUSIVE: Direk Caesar Cosme, may paalala sa mga contestant ng 'Laff, Camera, Action!' 

WATCH: Ang pang-hall of fame performance nina Tetay, Doktora Beki at Candy Pangilinan