IN PHOTOS: Meet the cast of 'Las Hermanas'

Simula October 25, mapapanood na ang pinakabagong drama ng GMA na 'Las Hermanas', na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith Da Silva, at Albert Martinez, pagkatapos ng 'Eat Bulaga.'
Gagampanan nina Yasmien, Thea at Faith ang magkakapatid na Manansala na sina Dorothy, Minnie, at Scarlet.
Magkakaiba ang ugali ng Manansala sisters. Dahil siya ang panganay, nasa ugali na ni Dorothy na gabayan ang kanyang mga nakababatang kapatid, lalung lalo na simula noong mamatay ang kanilang mga magulang.
Mapaghiganti naman si Minnie na gagawin ang lahat upang pigilan ang kanyang mga kapatid sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.
Ang bunsong si Scarlet naman ay ambisyosa na umabot na sa puntong wala siyang pakialam sa mararamdaman ng kanyang mga kapatid basta't maabot niya ang kanyang mga pangarap.
Samantala, gagampanan naman ni Albert si Lorenzo, ang mayamang businessman na magiging dahilan ng pagkasira ng relasyon ng magkakapatid.
Bago ang world premiere ng 'Las Hermanas' sa October 25, kilalanin pa ang ibang mga karakter dito.














