TV

Yasmien Kurdi mistulang balikbayan matapos ang lock-in taping

By Bong Godinez

Masayang-masaya si Yasmien Kurdi na umuwi matapos mawalay sa kanyang pamilya ng isang buwan dahil sa lock-in taping.

Kabilang ang Kapuso actress sa upcoming GMA series na Las Hermanas na kung saan ay makakasama niya sina Faith Da Silva, Jason Abalos, at Albert Martinez.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, sumailalim si Yasmien at ang buong cast sa exit swab test para masiguro na nasa maayos silang kalusugan bago umuwi sa kanilang mga mahal sa buhay.

Feeling balikbayan naman si Yasmien na ibinahagi niya rin sa kanyang vlog.

Panandalian lang na makakasama ni Yasmien at ng kanyang mga fellow cast members ang kanilang mga pamilya dahil balik lock-in taping na naman silang lahat matapos ang dalawang lingo.

Watch 24 Oras report here:


Samantala, bukod kay Albert Martinez ay marami pang iba ang nagbabalik Kapuso. Kilalanin kung sila sa gallery na ito: