
Emosyunal na ibinahagi ni Kapuso actress Yasmien Kurdi ang kanyang karanasan nang magkasakit habang nasa lock-in taping ng Las Hermanas.
Dahil sa sobrang pag-aalala sa kanyang kalagayan at sa taping ng kanyang bagong serye, hindi na napigilan ni Yasmien na maluha habang ikinukwento ang pagkakasakit.
"Ang nangyari sa akin is nagkaroon ako ng sipon like sobrang congested ng nose ko. And then, the next day no'n bigla na akong inuubo na dry cough. And then the whole day, yesterday, nag-i-lbm ako, super-duper diarrhea.," pagbabahagi ng aktres.
Kahit na may sakit, iniisip pa rin ni Yasmien ang taping nila sa serye dahil nahihiya ito sa nangyari sa kanya.
"Tumawag po ako kanina sa EP namin, tinanong ko sa kanya kung may mga makukunan ba silang eksena kasi sobrang nahihiya po ako sa production na nagkasakit ako," umiiyak na ibinahagi ni Yasmien sa kanyang channel.
Sa mga sintomas na naranasan ni Yasmien sa pagkakasakit, patuloy niyang nilalakasan ang kanyang loob at hinihiling na sana hindi ito COVID-19.
"Ayoko naman siyempre na isipin na COVID... Sa kanila kasi siyempre kami uso ngayon ang COVID, maraming nagkaka-COVID baka magkahawa-hawaan kami rito sa set... Pero they decided nga na dapat magkaroon ako ng bed rest which is sobrang thankful ko sa Las Hermanas team," pagpapatuloy ng aktres.
Para makasiguro na safe ang lahat, sumailalim sa RT-PCR test si Yasmien.
Habang hinihintay ang resulta ng isinagawang test, muling nagkasakit si Yasmien kung saan kinailangan niyang gumamit ng nebulizer.
"Nagpa-consult ako kahapon sa doctor ko and then ang sabi niya sa akin is hindi raw siya nag-cause dahil sa asthma ko kung hindi raw dahil siguro naka-attract ako ng infection," kuwento ni Yasmien.
Malaki ang pasasalamat ni Yasmien nang dumating na ang resulta ng kanilang swab test at nag-negatibo sa COVID-19.
"We're happy, we are negative," masayang pagbabahagi ng aktres.
Balik taping na ngayon sa Las Hermanas ang aktres at malaki ang pasasalamat niya sa mga taong patuloy na nagdasal at sumuporta sa kanya.
"Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng taong nag-pray for me. Sa staff ng Las Hermanas, sa GMA family ko, sa fans ko, kay Pangga at kay Ayesha... sa parents ko maraming salamat," pagtatapos ni Yasmien.
Pinabulaanan din ni Yasmien ang tanong ng ilan kung ang sanhi ba ng pagkakasakit ay dahil sa nagpa-COVID vaccine siya. Ipinaliwanang ng aktres na mahigit dalawang linggo na noong siya ay nagpabakuna.
Samantala, balikan sa gellery na ito ang quarantined life ng pamilya ni Yasmien Kurdi: