TV

Las Hermanas: Kilalanin ang mga karakter nina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith Da Silva

By Aaron Brennt Eusebio

Sa pagbabalik ng beteranong aktor na si Albert Martinez sa GMA Network, gagampanan niya ang mayamang businessman na si Lorenzo Ilustre sa Las Hermanas kung saan makakasama niya sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith Da Silva.

Makikilala ni Lorenzo ang ang magkakapatid na Manansala na sina Dorothy, Minnie, at Scarlet. Simula noong naulila ang magkakapatid ay nagkaroon sila ng iba't ibang pangarap.

Gagampanan ni Yasmien si Dorothy, ang panganay na isasantabi ang kanyang sarili upang gabayan ang kanyang mga nakababatang kapatid.

Tanong ni Dorothy, "Ang mga kapatid ko ang buhay ko, handa akong lumaban at tumulong para sa kanila. Bakit ngayon, ako pa ang masama? Bakit ako pa ngayon ang tinulak nila palayo?"

Ang middle child naman na si Minnie ang karakter ni Thea. Gagawin ni Minnie ang lahat upang mapigilan ang kanyang mga kapatid sa pagtupad ng kani-kanilang mga pangarap.

Saad ni Minnie, "Nangako ang mga kapatid ko na makakaramay ko sila sa kahit anong pagdaanan ko pero bakit sila pa ang nagkalulong sa akin? Bakit sila pa ngayon ang nang-iwan sa ere?"

Si Faith naman ang bunsong si Scarlet, ang pinakaambisiyosa na walang pakialam sa mararamdaman ng kanyang mga kapatid basta't maabot niya ang kanyang mga pangarap.

Ani Scarlet, "Ang mga kapatid ko ang nag-alaga sa akin at tumatayong mga magulang ko. Lagi nilang sinasabi na gusto nila ako maging masaya. Pero bakit sila pa ngayon ang kumokontra sa pag-abot ng mga pangarap ko?"

Mas kilalanin pa ang mga karakter nina Yasmien, Thea, at Faith sa mnga larawan na ito:

Ano kaya ang magiging relasyon ni Lorenzo sa magkakapatid na Manansala?

Abangan ang world premiere ng Las Hermanas, malapit na sa GMA Afternoon Prime.