TV

Thea Tolentino reveals the most challenging part in 'Las Hermanas'

By Aimee Anoc

Inamin ni Thea Tolentino na nahirapan siya habang ginagawa ang Las Hermanas, ang bagong aabangan sa GMA Afternoon Prime.

Sa press interview noong October 15, ibinahagi ni Thea ang hindi magandang lagay ng kanyang kalusugan.

"Ang pinaka naging struggle ko working on this project is more of battle with myself. Kasi nitong nag-pandemic sobrang na-rattle 'yung mental health ko," pagbabahagi ni Thea.

"'Yung emotion ko na hindi ko alam kung ano ang uunahin kaya naging automatic sa akin na mag-shutdown na lang. Ayaw kong makaramdam ng kahit na ano which is a problem kasi 'yun 'yung trabaho namin, kailangan makapagbigay kami ng emosyon," dagdag niya.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Thea sa mga nakatrabaho niya sa Las Hermanas, na nagsilbing pangalawang pamilya niya.

"'Yun 'yung isa sa pinakanahirapan ako doing this project. Pero I'm so thankful kasi sobrang laking tulong na napakahusay ng mga nakatrabaho ko. Minsan kapag ubos na ubos talaga ako sa kanila na lang talaga ako kumakapit kasi may mga times talaga na wala akong maramdaman at all," pagtatapos ng aktres.

Samantala, gaganap si Thea bilang si Minnie sa upcoming series na Las Hermanas. Makakasama niya rito sina Yasmien Kurdi bilang si Dorothy at Faith Da Silva bilang si Scarlet.

Abangan ang world premiere ng Las Hermanas sa October 25 sa GMA Afternoon Prime.

Mas kilalanin pa ang Las Hermanas cast sa gallery na ito: