GMA Logo Yasmien Kurdi
What's on TV

Yasmien Kurdi shares advantages of lock-in tapings

By Aimee Anoc
Published October 19, 2021 3:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi


"Mas productive naman siya talaga kasi mayroon kaming maayos na tulog, mayroon kaming cutoffs...mas nakaka-focus sa character." - Yasmien Kurdi

Halos dalawang dekada ng nasa industriya si Yasmien Kurdi bilang isang artista. Pero ano kaya ang masasabi nito sa mga pagbabago sa set, lalo na sa lock-in tapings ngayong may pandemya?

Sa press interview para sa upcoming series na Las Hermanas, ibinahagi ni Yasmien na gusto niya ang lock-in tapings dahil mas produktibo ang lahat.

"Bilang isang artista dapat maging resourceful tayo sa mga gamit na dala natin. Kasi pagdating mo roon sa location, sa bubble namin, hindi ka na pwedeng lumabas. Kung ano lang 'yung dala mo na damit kailangan maging creative ka in a way," pagbabahagi ng aktres.

"'Yung malayo sa family for a month, siyempre inspiration mo sila, tapos hindi mo sila nakikita in person every day. Iniisip ko lang na mas gusto ko 'yung setup na ganito na kahit malayo sa family kasi ilang buwan lang naman sa isang taon ang isa-sacrifice mo, tapos 'yung buong taon para na sa kanila. For the safety of everyone," dagdag niya.

Ayon kay Yasmien, mawalay man ng ilang buwan sa pamilya dahil sa lock-in tapings, marami pa rin naman daw itong magandang naidudulot lalo na at mas nakakapagpokus siya sa kanyang karakter.

"Mas productive naman siya talaga kasi mayroon kaming maayos na tulog, mayroon kaming cutoffs. And then mas nakaka-focus sa character kasi hindi ka bumibitaw agad kasi tuloy-tuloy siya,” kuwento niya.

"Hindi siya 'yung uuwi ka ng house tapos iisipin mo 'yung mga bills mo, 'yung mga internal issues. [Sa lock-in taping] mas nakapokus ka roon sa character mo. Dahil nandoon ka sa set mismo, mas napi-feel mo na 'okay ito 'yung set ng Las Hermanas,'" paliwanag ni Yasmien.

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi)

Hindi pa man umeere ang Las Hermanas, isa na itong malaking tagumpay para kay Yasmien dahil nakabuo ng isang serye kahit na may pandemya.

"Masarap 'yung feeling nu'ng natapos namin siya. Kahit hindi pa siya umeere masasabi ko na successful na siya in a way kasi sa kalagitnaan ng pandemya natapos namin 'yung buong series. Congratulations everyone!" pagtatapos ng aktres.

Samantala, gaganap si Yasmien sa Las Hermanas bilang ang panganay na si Dorothy. Makakasama niya rito sina Thea Tolentino bilang si Minnie at Faith Da Silva bilang ang bunsong si Scarlet.

Abangan ang world premiere ng Las Hermanas sa October 25 sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, mas kilalanin pa ang Las Hermanas cast sa gallery na ito: