TV

Faith Da Silva, umamin na mayroon siyang iniuwi mula sa set ng 'Las Hermanas'

By Aaron Brennt Eusebio

Inamin ng aktres na si Faith Da Silva na mayroon siyang iniuwi galing sa set ng pinagbibidahan niyang teleserye na Las Hermanas.

Sa kanyang interview sa GMANetwork.com, ipinakita ni Faith ang painting na kanyang tinago bilang alaala sa unang teleserye na pinagbidahan niya.

“Ito 'yung isa sa mga iniuwi ko sa set ng 'Las Hermanas.' So hindi po siya sira, guys,” paliwanag ni Faith.

“'Yung sa eksena namin, sinisira ko siya, sinira ko talaga siya. As in natanggal sa frame 'yung picture, which was very, very nice sa feeling kasi parang nung time na 'yun, doon ko talaga lahat nilalabas 'yung frustrations ko kay Lorenzo (Albert Martinez).

“Lahat ng sakit na binabasa ko pa lang sa script 'yun na magloloko si Lorenzo, iba 'yung pakiramdam ko talaga kasi masyado akong kumapit doon sa karakter ko.”

Panoorin ang huling episode ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.