TV

Samahan ang 'Legacy' stars na sina Heart, Lovi, Alessandra, Geoff at Sid sa GMANetwork.com Live Chat


Sa nalalapit na pagtatapos ng glossy drama masterpiece na Legacy, sino ang pipiliin ni Josh between Diana and Natasha? Magagawa ba ni Diana na buksan ang kanyang puso para kay Iñigo? Makukuha pa rin kaya ni Bernadette ang Legacy Corporation?

Ang mga tanong na ito ay iilan lamang sa mga puwedeng sagutin ng inyong favorite Legacy stars na sina Heart Evangelista, Lovi Poe, Alessandra de Rossi, Geoff Eigenmann, and Sid Lucero sa pagsabak nila sa live chat ng gmanetwork.com on May 23.

Heart plays the role of Diana, ang nawalay na anak ni Cesar Alcantara at iibig kay Josh na nakatakdang ikasal sa half-sister niyang si Natasha. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho siya sa kalaban ng Legacy na Tala Corporation.

Lovi is Natasha, ang kinikilalang anak ni Cesar at napipintong tagapagmana ng Legacy Corporation. Nababalot ng kasinungalingan ang kanyang pagkatao kaya napilitan siyang magpakasal kay Third San Jose.

Si Alessandra naman ay si Bernadette, ang anak sa labas ni Cesar.  Palaban at ambisyosa, gagawin niya ang lahat para sa kanya ipamana ni Don Romualdo ang Legacy at hindi sa kanyang mga kapatid.

Geoff is Josh, ang dating boyfriend ni Natasha na na-in love kay Diana. Maguguluhan siya sa kanyang nararamdaman kaya hihiwalayan nito si Diana at lalayo para makapag-isip.

Sid plays the role of iñigo, anak ng may-ari ng Tala Corporation.  Iibig kay Diana at kahit ano ay kayang gawin maipakita lang sa dalaga na totoo ang nararamdaman niya.

Marami ang nag-aabang sa mga posibleng mangyari sa Legacy ngayong patindi na ng patindi ang mga kaganapan.  Hinirang na bilang OIC ng Legacy Corporation si Natasha habang si Bernadette naman ay sinisisi pa rin sa nangyari kay Don Romualdo.  Patuloy pa rin ang panunuyo ni Iñigo kay Diana na umaasa pa ring magkakabalikan sila ni Josh.

Abangan ang kanilang pagbisita sa Live Chat studio this Wednesday, May 23, from 2:30 to 4:00 pm. Log on to gmanetwork.com/livechat to take part in this exclusive event.