TV

LOOK: Dennis Trillo topbills upcoming cultural drama series 'Legal Wives' along with Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali

By Al Kendrick Noguera

Isang natatangi at bigating teleserye ang ihahandog ng GMA sa mga manonood, ang cultural drama series na Legal Wives.

Ang Kapuso actor na si Dennis Trillo ang bibida sa isa sa mga pinakamalaking proyekto ng GMA Entertainment Group kung saan makakapareha niya ang naggagandahang aktres na sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Iikot ang istorya ng inaabangang serye kay Ishmael (Dennis), isang muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca).

Tulad nina Dennis at Bianca, sumailalim na rin sa isang look test ang mga beteranong aktor na sina Cherie Gil at Al Tantay na gaganap bilang mga magulang ni Ishmael na sina Zaina at Hasheeb.

Asahin ding mapanood ang young and promising Kapuso stars at produkto ng StarStruck na sina Shayne Sava at Adbul Raman.

Kabilang din sa cast sina Bernard Palanca , Kevin Santos, Maricar De Mesa , Juan Rodrigo, at Irma Adlawan.

Sa Legal Wives, isang muslim si Ishmael na nagmula sa lahi ng mga Maranaw . ang kanyang pag-papakasal sa tatlong babae ay mayroong iba't ibang dahilan - obligasyon ng kanyang pamilya; Tunay na pag-ibig; at pagtulong para iligtas ang anak ng kanyang kaibigan.

Magkakalayo ang mga edad ng mga asawa ni Ishmael kaya't magdudulot ito ng mga problema na susubok sa kanya.

Paano mapapanatili ni Ishmael na payapa ang kanyang buhay may-asawa? Ano ang kanyang kayang isakprisyo upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya?

Abangan 'yan at ang mga pagsubok na haharapin ni Ishmael dulot ng pagkakaiba ng lahi, kultura, at tradisyon sa Legal Wives, soon on GMA Telebabad.