GMA Logo Andrea Torres
What's on TV

Andrea Torres, babaeng tatanggapin ang lahat para sa pag-ibig sa 'Legal Wives'

By Marah Ruiz
Published July 14, 2021 7:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres


Si Andrea Torres ay si Diane, ang nag-iisang Kristiyano sa tatlong asawa ni Ismael sa 'Legal Wives.'

Looking forward daw si Kapuso actress Andrea Torres na maibahagi sa mga manonood ang mundo ng upcoming family drama series na Legal Wives.

Pinaka excited daw siyang mapanood ng mga Kapuso ang mga eksena niya kasama ang iba pang mga asawa sa serye na ginagampanan nina Alice Dixson at Bianca Umali.

"Although nagkakasama kami sa taping, lately lang 'yung mga eksenang talagang sabay sabay kaming tatlo sa isang eksena. Nakakatawa kasi iba-ibang characters, iba-ibang personality 'yan mga yan, pinagsama sama mo. Nakakatawa 'yung eksena. Ayokong magbigay ng spoiler pero nakakaaliw," pahayag ni Andrea.

Ang Legal Wives ay kuwento ng isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaki ang tatlong magkakaibang babae dahil sa iba't ibang mabibigat na dahilan.

Gaganap si Andrea dito bilang si Diane, ang pangalawang asawa ni Ismael na gagampanan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Andrea Torres Legal Wives


Sa tatlong asawa, si Diane lang ang hindi Mranaw. Gayunpaman, pakakasalan siya ni Ismael sa ngalan ng tunay nilang pagmamahalan.

"Si Diane, grabe siya magmahal talaga. Hindi mo makukuwestiyon kung anong kaya niyang gawin pagdating sa pagmamahal niya kay Ismael at sa marriage nila ni Ismael," paliwang ng aktres.

Abangan si Andrea at ang karakter niyang si Diane sa world premiere ng Legal Wives, July 26 sa GMA Telebabad!