TV

'Legal Wives' pilot episode, pinuri ng netizens

By Marah Ruiz

Kahapon, July 26 ang world premiere ng pinakabaong GMA Telebabad series na Legal Wives.

Ang Legal Wives ay kuwento ng isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaki ang tatlong magkakaibang babae dahil sa iba't ibang mabibigat na dahilan.

Sa unang episode ng show, napanood ang unang pagkikita nina Ismael (Dennis Trillo) at Diane (Andrea Torres).

Naipakita din ang kabataan ni Ismael na balot ng tradisyon at pananampalataya.

Umani ng papuri mula sa mga manonood ang pilot episode ng show dahil sa pagpapakita nito ng kultura ng mga Mranaw.

Nabitin daw ang ilang kaya looking forward sila sa mga susunod na episodes ng Legal Wives.

Ngayong gabi, July 27, mas magkakakilala pa sina Ismael at Diane. Tutol naman dito ang ama ni Diane na si Cesar (Juan Rodrigo).

Tunghayan ang kuwento ng Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.