What's on TV

'Legal Wives' viewers, nanghinayang sa pagkamatay ng karakter ni Alfred Vargas

By Marah Ruiz
Published August 4, 2021 1:24 PM PHT
Updated August 4, 2021 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PHIVOLCS logs 400 back-to-back earthquakes in Kalamansig, Sultan Kudarat
Over 150 cellphones stolen during Sinulog fest recovered
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

Alfred Vargas


Sa espesyal na partisipasyon, gumanap si Alfred Vargas bilang Nasser na isa sa mga namatay sa rido o clan war sa 'Legal Wives.'

Short but sweet ang stint ng aktor at pulitikong si Alfred Vargas sa pinakabagong GMA Telebabad series na Legal Wives.

Sa isang espesyal na partisipasyon, gumanap si Alfred bilang Nasser ang nakakatandang kapatid ni Ismael (role ni Kapuso Drama King Dennis Trillo) at asawa ni Amirah (karakter naman ni Alice Dixson).

Sa episode kagabi (August 3), nabaril at binawian na ng buhay si Nasser matapos silang tambangan ng pamilya Pabil dahil sa rido o clan war.

Nanghinayang ang mga manonood sa kanyang pagkawala.

Tila perfect family daw kasi sina Nasser, Amirah, at anak nilang si Jamilah na ginagampanan ni Shayne Sava.

Ine-expect nilang ito ang magiging simula ng galit ni Amirah.

Sinisisi rin ng mga manonood si Marriam, na ginagampanan ni Ashley Ortega, dahil sa gulong dinulot ng kanyang pagsisinungaling.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Alfred na maikli ang naging partisipasyon niya sa Legal Wives dahil prayoridad pa rin niya ang pagiging representative ng District 5 ng Quezon City.

"Mabilis lang ako kasi I cannot do the lock-in taping. Nag-taping lang ako in three days.

"Pero kung [full time] in two or three installments siguro ako.

"I cannot stay one month tapos hindi ako makalabas. Yun lang ang kaya ko in terms of commitment.

"Pero I'm happy naman kasi maganda yung Legal Wives, e," bahagi niya.

Kaya naman kahit sandali lang siyang mapapanood sa serye, very proud naman siyang maging bahagi nito.

"Nakita ko yung video, cinematic talaga, parang epic nga. So, I'm really proud to be part of that project," lahad ni Alfred.

Alamin ang magiging bunga ng pagkamatay ng kanyang karakter na si Nasser sa pamamagitan ng pagtutok sa Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.