TV

Dennis Trillo on Jennylyn Mercado's pregnancy: 'Mapagbiro talaga 'yung tadhana.'

By Marah Ruiz

Plano naman talaga ng Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na magkaroon ng sarili nilang anak.

Kaya naman unexpected blessing nang natural na magbuntis si Jennylyn habang nakalatag na ang plano nila para kumuha ng surrogate sa Amerika.

"Mapagbiro talaga 'yung tadhana. Talagang mayroon siyang sariling timing. Kailangan lang siguro talaga sa buhay mo, huwag kang maiinip dahil darating at darating 'yung para sa 'yo balang araw," pahayag ni Dennis.

Ibabahagi nina Dennis at Jennylyn ang kanilang surrogacy journey sa pamamagitan ng isang vlog na mapapanood sa channel ni Jennylyn ngayong gabi, November 5, 2021, 8:00 pm.

Bago nito, ibinahagi na rin nila sa channel ni Jen ang nangyaring proposal.

Image Source: dennistrillo (IG)

Ang mga Legal Wives co-stars ni Dennis na sina Bianca Umali at Shayne Sava, kinilig din sa announcement ng engagement nito.

"Isa 'ko sa mga tuwang tuwa noong lumabas 'yung balita kasi isa si Kuya Dennis talaga, isa mga pinaka nakasundo ko on set. Noong lumabas nga 'yung balita, nakaka-happy kasi everyone was very curious kung gaano nila kalayo dadalhin 'yun pagmamahal nila," pahayag ni Bianca na gumananap bilang Farrah, ang third wife ng karakter ni Dennis na si Ismael sa serye.

Na-curious naman si Shayne kung paano nangyari ang proposal.

"Noong napanood ko po 'yung [report] sa '24 Oras,' sobra 'kong nagulat din and natuwa at the same time. After po noon, na-curious ako kasi gusto kong makita 'yung proposal ni Kuya Den, kung paano nangyari 'yun. Pinanood ko po sa vlog nila and sobrang cute," lahag ni Shayne.

Huwag palamapasin ang nalalapit na pagtatapos ng seryeng Legal Wives, Lunes hanggan Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Samantala, panoorin ang video sa itaas para sa buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras.

Silipin din ang kung paano nag-propose si Dennis kay Jennylyn dito: