TV

EXCLUSIVE: 'Legally Blind' star Janine Gutierrez to sexual harassment victims: 'Hindi n'yo kasalanan'

By AL KENDRICK NOGUERA

 

 

Sa istorya ng Legally Blind, biktima ng rape ang karakter na ginagampanan ni Janine Gutierrez na si Grace. Dahil sa malagim na krimen, nagbago ang takbo ng buhay ni Grace at hinihila nito nang pababa ang kanyang mga pangarap.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Janine ang kanyang nararamdamang lungkot sa tuwing naiisip niya ang rape at sexual harassment victims na tulad ng kanyang role sa GMA Afternoon Prime soap.

"Personally, mahirap mag-advice kung hindi mo pa na-e-experience dahil hindi mo naman talaga mailagay 'yung sarili mo sa isang sitwasyon kung hindi mo pa nararanasan," bungad niya.

"Bilang babae sa tingin ko, hindi tayo dapat mahiya na sabihin kung mayroong nanakit sa 'tin or kung mayroong nang-abuso sa 'tin kasi dapat talagang pagbayarin 'yung mga tao na gumagawa ng mga ganoong kasamaan," pahayag ni Janine.

Hindi raw siya naniniwalang mayroong kasalanan ang mga biktima na sila ang nagbigay ng dahilan sa kanilang attackers upang gawin ang krimen. Aniya, "Kahit sabihin ng lalaki na kasalanan mo dahil mayroon kang ginawa para gawin niya 'yon, hindi mo talaga kasalanan. We should be able to express ourselves freely without the fear of someone taking advantage of that freedom."

Sa huli, may payong iniwan si Janine sa mga biktima ng sexual harassment. "You're more than your trauma. You're more than your terrifying experience. Kahit na nangyari sa 'yo 'yun, isang buong mahalagang importanteng tao ka pa rin at hindi ka dapat mahiya," pagtatapos ng Legally Blind star.

MORE ON 'LEGALLY BLIND':

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, naramdaman ang galit at takot ng mga inabuso matapos ang 'Legally Blind' rape scene

Janine Gutierrez, totoo na ang mga iyak sa 'Legally Blind' rape scene dahil sa takot kay Marc Abaya 

READ: Janine Gutierrez, nagpasalamat sa viewers na nagtulak sa 'Legally Blind' na manalo sa ratings