TV

WATCH: Janine Gutierrez, todo suporta ang mga magulang sa 'Legally Blind'

By AL KENDRICK NOGUERA

Base sa sunod-sunod na panalo sa ratings ng Legally Blind mula nang mag-umpisa ang show, marami ang sumusubaybay sa GMA Afternoon Prime soap na pinagbibidahan ni Janine Gutierrez. Alam ba ninyong kabilang ang mga magulang ni Janine na sina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez sa loyal viewers ng Kapuso teleserye?

Sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, ikinuwento ni Janine na thankful siya sa kanyang mga magulang dahil sa suporta na ibinibigay nila. "Masaya sila (parents) [sa ginagawa ko at] ramdam ko talaga 'yung suporta nila lalo na sa Legallly Blind," anang aktres.

Ayon kay Janine, updated daw si Monching sa istorya ng kanyang character na si Grace. Bahagi niya, "Si Papa laging nanonood. Sine-sendan niya ako ng screenshots kapag nasa taping ako tapos walang TV. Pinapadala niya sa 'kin kung ano 'yung nangyayari."

Dagdag ni Janine, si Lotlot naman daw ang tumatayong kanyang acting coach. "Si Mama naman, nakabantay siya sa mga kilos ko kasi magaling na artista si Mama so 'yung mga paalala niya sa 'kin, palagi niyang tine-text o tinatawag," pahayag niya.

"Sobrang suwerte ko rin po talaga [sa mga magulang ko]," pagtatapos ng Legally Blind star.

Panoorin ang kabuuang ng 24 Oras report.

 

 

MORE ON JANINE GUTIERREZ:

LOOK: Janine Gutierrez on her dream car: "Pinag-ipunan ko ['to]"

Janine Gutierrez and Andre Paras join WWF's star-studded roster of ambassadors

WATCH: Janine Gutierrez, may hugot tungkol sa ex-boyfriend nang sumagot sa 'Gandang Filipina' segment ng 'Wowowin'