TV

Gabbi Garcia, kumportable na sa kanyang veteran co-stars

By MICHELLE CALIGAN


Kung dati ay hindi pa makapaniwala si Gabbi Garcia na bibida sila ni Ruru Madrid sa isang primetime series, ngayon ay feel at home na ang young actress sa kanyang mga kasama sa Let the Love Begin.

"Si Miss Ai, actually hindi siya nakaka-intimidate. In fact, tutulungan ka pa niya, parang chichikahin ka pa niya. Sobrang magaang katrabaho," kuwento ni Gabbi nang kamustahin namin ang kanyang working relationship with her veteran co-stars.

LOOK: Aiai Delas Alas' new home in the US 

She also has nothing but kind words for her onscreen parents Gardo Versoza and Donita Rose.

"Si Kuya Gardo, sobrang saya niya. Si Miss Donita, kung masama siya sa Let the Love Begin, sobrang opposite, as is super duper warm siya. She's a chef kasi, so nagdadala siya ng mga kung ano-anong food. Si Kuya Gardo naman sobrang wagas kung makapang-asar sa amin ni Ruru, which is fun din, to break the ice."

Marami rin ang patuloy na kinikilig sa kanila ni Ruru.

"Kami kasi ni Ruru, natural lang kami. We just go with the flow, kaming dalawa. Pero hindi namin pina-plan lahat ng bagay. Ang kilig naman ng fans will come naturally, hindi siya pilit."

Nag-iwan din ng mensahe si Gabbi sa lahat nang sumusuporta sa Let the Love Begin.

"Sobrang thank you, and ang goal namin ay ang mapasaya kayo araw-araw. I hope na na-achieve naman namin 'yun. Sana patuloy lang silang sumuporta kasi maraming marami pang ibibigay ang show sa kanila."