TV

Ruru Madrid, sinorpresa si Gabbi Garcia sa set ng 'Let the Love Begin'

By MICHELLE CALIGAN

Hindi naging hadlang ang kanilang magkaibang taping location para hindi magawang sorpresahin ni Ruru Madrid ang ka-loveteam na si Gabbi Garcia.

READ: How close is GabRu to each other? 

Kagabi, July 31, nag-post ang Let the Love Begin teen star ng picture ni Ruru na may hawak na bouquet sa kanyang Instagram account. Ito ay may caption na "Look who dropped by and surprised me during taping! Thank you @rurumadrid8 ??"



Ayon sa production team ng naturang teleserye, pumunta si Ruru sa set ng main unit para ibigay ang mga bulaklak. Pack up na daw siya sa Unit 2 habang si Gabbi naman ay may dalawang sequences pa sa main unit. After daw niyang mag-pack up at 11:00 p.m. ay naghanap siya ng flower shop, pero dahil sarado na ang kanyang nakita, kumatok at nakiusap siya sa tindahan para siya ay pagbilhan.

LOOK: 8 kilig photos of Gabbi and Ruru