TV

Sino si 'Invisible Man' ng Let the Love Begin?

By MICHELLE CALIGAN


Intense man ang mga eksena sa Let the Love Begin, puro naman katatawanan ang nagaganap when the cameras are not rolling.

Isa sa mga nagpapagaan ng set ay ang tinatawag nilang si Invisible Man, na walang iba kungdi si Mark Anthony Fernandez who plays the role of Jom, ang station manager ng Sky FM.

READ: Mark Anthony Fernandez, napa-Let the Love Begin sa piling ng kanyang girlfriend 

"Si Invisible Man mami-miss namin. Bigla na lang siyang nawawala. Actors in, mawawala siya. Nakita niyo na kung bakit siya invisible man. 'Di ba nawawala? Kahit saan mo hanapin, biglang nawawala. Siya nagtawag sa sarili niya ng ganun," kuwento ni Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas sa GMANetwork.com.

Nang tanungin naman kung ano ang alam niya tungkol sa estado ng friendship nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia, ito ang kanyang naging sagot.

LOOK: Ruru surprises Gabbi with a bouquet of flowers 

"Sweet pa rin, and super friends sila. Tingnan natin kung super friends lang. Si Ruru mabait naman, at saka professional 'yung bata. Magaling na artista. Ganun din naman si Gabbi."

Nag-iwan din ng mensahe ang Sunday PinaSaya host  para sa mga sumubaybay sa Let the Love Begin.

"Maraming salamat sa lahat ng support nila from the start hanggang ito na, malapit na kaming matapos. Sana 'yung mga susunod pa naming mga soap dito sa GMA primetime ay panoorin pa rin nila, lalong lalo na kapag kasama ako. Siyempre love your own!"