TV

WATCH: Riot ang tapatan nina Cai Cortez, Donita Nose at Tekla sa 'Lip Sync Battle Philippines'

By Marah Ruiz

Triple ang saya ng susunod na episode ng Lip Sync Battle Philippines dahil ang mga komedyante na sina Cai Cortez, Donita Nose at Tekla naman ang magpapatalbugan sa entablado. 

Aminado si Cai na intimidated siya nang malaman kung sino ang makakalaban niya. 

"Oh my God! Noong nalaman ko na si Donita Nose at saka si Tekla ang kalaban ko, sabi ko 'Oh my God! Paano?' Kasi nga alam ko napaka husay nila at napaka talented nila kaya talagang binomba ko ng talent saka ng effort para mag-isip ng magandang concept," bahagi niya.

Si Tekla naman, na-challenge sa dance moves ng kanyang performance. 

"Inis na inis ako sa sayaw talaga. I hate dancing! Sobrang I swear to God, talagang isusumpa ko 'yan," bahagi nito. 

Alay naman daw ni Donita Nose ang kanyang performance sa isang partikular na grupo. 

"Sobra talagang nag-prepare ako nang bongga. Talagang bonggang rehearsal, lahat costume-wise and everything! Itong performance ko talaga guys, inaalalay ko talaga sa lahat lalong lalo na sa LGBT community," aniya. 

Panoorin ang kanilang buong pre-show interview dito: