What's on TV

WATCH: Hitik na naman sa hunks ang 'Lip Sync Battle Philippines'

By Marah Ruiz
Published May 18, 2018 7:10 PM PHT
Updated May 18, 2018 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Historic finds and young hobbyists shine at Minted MNL's 2025 year-end show
Signal No. 1 up over 16 areas as Wilma moves over the coastal waters of Samar
#WilmaPH accelerates slightly as it crosses Samar

Article Inside Page


Showbiz News



Isa na namang three-way battle ang dapat abangan sa upcoming episode ng 'Lip Sync Battle Philippines!' This time, maghaharap naman ang mga Kapuso hunks na sina Jak Roberto, Martin del Rosario at Kim Last.

Isa na namang three-way battle ang dapat abangan sa upcoming episode ng Lip Sync Battle Philippines!

This time, maghaharap naman ang mga Kapuso hunks na sina Jak Roberto, Martin del Rosario at Kim Last sa Lip Sync Battle Philippines stage. 

Feel na feel daw ni Jak ang gagawin niyang performance. 

"Iba 'yung feeling eh. Pakiramdam ko nagko-concert talaga ako. 'Pag naririnig mo 'yung boses nung talagang artist, nali-lip sync mo siya, parang ikaw talaga 'yung nasa katauhan niya. Sobrang nag-e-enjoy ako," aniya. 

Gagamitin naman daw ni Martin ang kanyang award-winning acting skills para makalamang sa kanyang mga kalaban.

"Sabi ko nga, kung hindi ako masyadong dancer, idadadan ko na lang sa emote. Sabi ko doon sa choreographer, 'Gawa na lang tayo ng steps na maraming emote, maraming mga emotions, action sa mukha na pwedeng iba. Gawan mo na lang ako ng objective, gagawin ko na lang 'yun'," pahayag niya.

Sa tingin naman ni Kim, magiging edge niya ang kanyang experience sa mga live variety shows.

"'Yung perfomance level sa Eat Bulaga, that will help me dahil naging performer ako dahil diyan. Pero sa SPS (Sunday PinaSaya)—I won't give away too much—pero 'yung gagawin ko, medyo doon nag-umpisa sa SPS," paliwanag nito. 

Panoorin ang kanilang buong pre-show interview dito: