TV

Martin del Rosario at Kim Last, nag-enjoy maski natalo sa 'Lip Sync Battle Philippines'

By Marah Ruiz

Si Jak Roberto ang itinanghal na winner sa hunkylicious episode ng Lip Sync Battle Philippines.

Gayunpaman, nag-enjoy pa rin ang mga kalaban niyang sina Martin del Rosario at Kim Last.

Ayon kay Martin, malaking ginhawa daw sa kanya ang makapag-perform matapos niyang pag-isipan ito nang ilang araw. 

"Nakaka-proud sa sarili kasi na-overcome ko 'yung fear sa stage," kuwento niya tungkol sa experience. 

Para naman kay Kim, naaliw daw siya sa kinalabasan ng kanyang paghahanda.

"Super satifying na nalaman ko na lahat ng hard work namin, paid off," aniya. 

Panoorin ang kanilang post-battle interviews dito: