TV

WATCH: Rhian Ramos at Solenn Heussaff, naghahanap ng unang panalo sa 'Lip Sync Battle Philippines'

By Marah Ruiz

Dalawang former battlers ang magbabalik sa entablado ng Lip Sync Battle Philippines.

Back with a vengeance sina Kapuso beauties Rhian Ramos at Solenn Heussaff at naghahanap sila ng kanilang unang panalo sa show.

Natalo si Solenn noon kay Lovi Poe, habang hindi naman pinalad si Rhian matapos makalaban si Heart Evangelista. 

"We've both lost kasi in the past so parang we're both looking na sana maisalba na namin ang pride namin this time around," ani Rhian.

Para sa performance niya ngayon, mas gagalingan pa daw si Solenn para makuha na niya sa wakas ang LSB Philippines championship belt. 

"So 'yung magiging performance ko ng round two parang may mga baliktad na sideways na pagilid na factor," pahayag naman ni Solenn. 

Sino ang magtatagumpay sa kanilang comeback?

Panoorin ang kanilang buong preshow interview dito: