TV

WATCH: Aiai Delas Alas, naiuwi ang pangalawang championship belt sa 'Lip Sync Battle Philippines'

By Marah Ruiz


Panalo si Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas sa season three finale ng Lip Sync Battle Philippines!

Ito ang pangalawang championship belt ni Aiai. Una na niya itong naiuwi nang makipag lip sync show down siya kay Arnel Ignacio.

"I'm so happy kasi back to back champion ako!" excited niyang pahayag.

May mensahe naman siya sa kanyang kalaban at longtime friend na si John Estrada.

"Sa aking 'Lab,' okay naman 'yung performance niya. Magaling siya at in fairness memorize niya 'yung kanta. Natuwa ako kasi sumasayaw din siya. Kaya lang, 'yun nga lang, ako 'yung champion," ani Aiai. 

Ang labanang Aiai at John ang finale episode ng season three ng Lip Sync Battle Philippines.

Abangan ang pagbabalik nito sa GMA!