GMA Logo juancho trivino, jo berry, rodjun cryz
What's on TV

Rodjun Cruz at Juancho Trivino, pinuri ang kanilang 'Little Princess' leading lady na si Jo Berry

Published January 7, 2022 1:49 PM PHT
Updated January 7, 2022 8:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

juancho trivino, jo berry, rodjun cryz


Juancho Triviño sa bago niyang katambal sa TV na si Jo Berry: ''Di mo mararamdaman na may pagkakaiba kayo kahit physically kasi...ang laki ng puso n'ya.”

Hindi na bago sa GMA actress na si Jo Berry na pag-agawan ng dalawang lalaki sa teleserye.

Matatandaang sa unang serye ni Jo sa GMA na Onanay (ipinalabas noong 2019) sina Adrian Alandy (Luis Alandy) at Wendell Ramos ang love interests niya.

Sa bago niyang serye na Little Princess, hindi lang ang rags-to-riches story ng karakter niyang si Princess ang kaabang-abang sa soap, kung 'di rin ang love triangle sa pagitan niya at ng kanyang dalawang leading men na sina Rodjun Cruz at Juancho Triviño.

Gagampanan ni Rodjun ang role ni Jaxon, ang guwapo at charming na best friend ni Princess. Maraming may crush kay Jaxon pero magsismulang mahulog ang loob niya sa kaibiagan dahil sa kabaitan nito.

Samantala, lalabas naman si Juancho sa Little Princess bilang Damien, binatang mayaman at magaling na gamer na na makakatapat ni Princess. Mahigpit niyang kalaban si Princess pero mapapahanga siya nito dahil sa galing sa paglalaro ng online game.

Hindi tuloy naiwasan na matanong si Jo sa virtual media conference ng Little Princess noong January 5 kung kanino kina Rodjun at Juancho sa tingin niya puwedeng mahulog ang loob niya.

"Ang go-to ko po talaga is 'yung funny and pareho naman silang funny," bahagi ni Jo bago sagutin ang tanong.

Dugtong niyang tugon, "Siguro po 'yung pareho ni Rodjun kasi very family-oriented and funny and very nice. Gano'n din naman si Juancho, pero si Juancho kasi tahimik lang."

Na-flatter naman si Rodjun sa magagandang sinabi ng kanyang Little Princess leading lady.

Kaya bilang tugon niya rito, sinabi niyang kahit sinong lalaki ay puwedeng ma-in love kay Jo.

Ani Rodjun, "Si Princess may big heart, gano'n din si Jo Berry. Napaka-selfless n'ya."

Humanga raw si Rodjun sa ipinakitang dedikasyon ni Jo sa trabaho sa kabila ng pagdadalamhati sa pagpanaw ng ama, lolo, at kapatid nito.

"Kagaya nga ng work na 'to, hindi biro 'yung nangyari sa kanya pero tinanggap n'ya 'tong trabaho na 'to dahil sa kanya natuloy 'yung Little Princess,” sabi niya. “Maraming nagkaroon ng chance na mgkqroon ng work tapos nagkasamaa-sama kami."

Dagdag pa ni Rodjun, "Actually para sa 'kin si Lord 'yung may gawa nito kasi sa Little Princess para mas madami silang ma-inspire 'pag napanood nila 'to, maraming mapapanod na aral.”

"So si Jo Berry, nakapaka-geneorus, napakabait na tao. Seryoso din 'yan pero palabiro din. Nagkasundo kami sa taping ng Little Princess at ang masasabi ko, mahal ko 'yung cast ng Little Princess kahit nasa lock-in kami para kaming iisang pamilya doon so tulong-tulong kami," ayon pa sa kaniya.

Panay papuri rin si Juancho tungkol sa bago niyang katamabal sa TV.

Bahagi niya. "Kapag kasama mo si Jo, 'di mo mararamdaman na may pagkakaiba kayo kahit physically kasi, 'yun nga, gaya ng sinabi ni Rodjun, ang laki ng puso n'ya and she cares about the people around her.”

"Kaya natutuwa ako kapag nakakasama ko s'ya, nakakakwentuhan ko s'ya. Palaban s'yang klaseng tao, ang tapang n'ya and I have nothing but nice things to say about Jo. Na-amaze talaga 'ko sa kanya itong 60-plus days na magkasama kami sa lock-in, sumaludo talaga ko sa pagkatao n'ya," dagdag pa niya.

Ang Little Princess ang ikatlong teleserye ni Jo sa GMA matapos ang Onanay at The Gift.

Bukod kina Rodjun at Juancho, makakasama rin ni Jo sa bago niyang TV project ang mga batikang artista na sina Angelika Dela Cruz, Jestoni Alarcon, Geneva Cruz, Jenine Desiderio, Lander Vera-Perez, at Chuckie Dreyfus.

Tampok din sa afternoon drama sina Therese Malvar, Gabrielle Hahn, Tess Antonio, at Kaloy Tingcungco.

Ipapalabas ang Little Princess simula Lunes, January 10, 3:25 p.m. sa GMA.