
Adorably inspiring si Jo Berry sa pilot episode ng bago niyang serye na Little Princess na nag-premiere ngayong Lunes, January 10.
Dito ay gumaganap siyang si Princess, isang little person with the biggest dreams.
True enough, sa simula pa lang ng serye ay ipinakita na agad ang kanyang mataas na pangarap sa kabila ng kanyang disability.
Nagbukas ang pilot episode sa eksenang papasok si Princess sa opisina. Badass-looking ang kanyang dating bilang CEO ng isang malaking kumpanya. Pero ang lahat nang ito ay panaginip lang pala.
Nang magising si Princess, ipinakita ang totoo niyang sitwasyon. Salat sila sa buhay pero positive at grateful pa rin ang bida.
Napanood na rin sa pilot episode ng Little Princess si Angelika Dela Cruz, na gumagananap na Elise, ina ni Princess.
We stan an unbothered queen! 😌👑
-- GMA Drama (@GMADrama) January 10, 2022
It's #LPGandangSmallSanaAll now, mga Kapuso! Tutok na! ❤️ #LittlePrincess pic.twitter.com/9T4IdBaPzO
Sa isang flashback scene, kerida si Elise ng boss niyang mayamang CEO na si Marcus (Jestoni Alarcon).
Nang nalaman ng asawa ni Marcus na si Odessa (Geneva Cruz) ang kanilang illicit affair, dito na nakipaghiwalay si Elise kay Marcus. Itinago ni Elise kay Marcus na ipinagbubuntis niya ang kanilang love child na si Princess.
Ayon sa Twitter user na may handle na Mansanas_ph, bagong kalinisang kontrabida si Geneva dahil sa kanyang effective acting.
Mukhang May bago tayong kaiinisan tuwing hapon! 😠😠 Itaga nyo yan sa kilay ni Princess.😂😂 #LPGandangSmallSanaAll @genevacruzmusic @thejoberry_ @angelikadlacruz @GMADrama pic.twitter.com/NfmkTjyR89
-- Mansanas_ph (@HazelAg05252030) January 10, 2022
Back to present time, 16 years old na si Princess at longing na for a father's attention and love.
Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, muntik nang mabangga ng sasakyan si Princess at lulan pala nito sina Marcus at Odessa.
Kinompronta ni Odessa si Princess pero hindi nagpatalo ang palabang bida sa matapobreng kontrabida.
Sinabuyan ni Odessa si Princess ng pera pero hindi ito nagpadala.
Kinaaliwan naman sa Twitter ang first face-off nina Princess at Odessa.
Ayon sa entertainment writer na si Jimpy Anarcon, "Huy infairness sa day-ender. Hindi cliffhanger, hindi intense or kung anuman. The pilot ended ng good vibes! Galeng! Congratulations Team Little Princess!!"
Huy infairness sa day-ender. Hindi cliffhanger, hindi intense or kung anuman. The pilot ended ng good vibes! Galeng! Congratulations Team Little Princess!! #LPGandangAllSanaAll
-- Jimpy Anarcon (@jimpylosophies) January 10, 2022
Para naman sa Twitter user na si Maritess Aquino, pampatanggal ng stress ang bagong show ni Jo.
"Thanks #GMA7. May pangtanggal ng stress, pampa-good vibes sa mga pinagdadaanan ng mga tao ngayon. #LPGandangSmallSanAll #LittlePrincess," tweet ng netizen.
Thanks #GMA7 May pang tanggal ng stress Pang pa good vibes sa mga pinag dadaanan ng mga tao ngayon. #LPGandangSmallSanAll #LittlePrincess
-- Maritess Aquino (@MaritessAquino2) January 10, 2022
Mapapanood ang Little Princess mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA.
Maaari ring mapanood ang full episodes nito sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Samantala, hindi pa man nagsisimula ang corporate leadership ni Jo sa Little Princess, silipin dito ang ilan niyang cute outfits as CEO sa GMA series: