What's on TV

Parating na ang 'Lolong,' ang dambuhalang adventure serye sa Philippine primetime!

By Marah Ruiz
Published May 31, 2021 8:05 PM PHT
Updated June 2, 2021 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong teaser


Ipinasilip na ang unang teaser ng 'Lolong,' ang biggest primetime adventure series sa Pilipinas ngayong 2021.

Napanood na ngayong gabi, May 31, ang unang teaser ng Lolong, ang upcoming action adventure series mula sa GMA News and Public Affairs.

Masusulyapan dito ang isa sa pinakamahalagang tauhan sa serye, ang dambuhalang buwaya na si Dakila.

Samantala, si Kapuso actor Ruru Madrid na lalabas sa serye bilang ang bidang si Lolong.

Mahigit dalawang taon ang naging preparasyon para sa dambuhalang adventure serye na ito sa Philippine primetime.

Lubos ang pagpapasalamat ni Ruru sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na gumanap sa isa na namang title role.

"First of all, gusto ko lang pong magpasalamat sa GMA News and Public Affairs dahil this is actually my third consecutive show under them. Sa walang sawang tiwala at suporta na binigay n'yo po sa akin, maraming maraming salamat po," pahayag ni Ruru.

Naging hamon ang pandemya sa pagsisimula ng trabaho sa Lolong kaya lubos na nagagalak si Ruru na magsisimula na ang produksyon ng serye.

"I can't wait na magawa na po itong proyektong ito dahil it's been two years, three years na po yata, na pina-plano po itong proyekto na ito. Bago pa po mag-pandemic, marami na po tayong challenges na pinagdaanan but still hindi po natin sinuko dahil alam po natin at naniniwala tayo sa proyekto na ito," lahad ng aktor.

Ibinahagi din niya ang ilang detalye tungkol sa kanyang karakter na si Lolong.

"Si Lolong gusto niya simpleng buhay lang. Gusto lang niya makatulong sa Tiyo niya at Tiya niya dahil sa utang na loob. Ayaw niya sana ng mga bagay na kung ano ano. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, siya pala ay hindi pangkaraniwanng tao," paliwanag niya tungkol sa kanyang role.

Bukod kay Ruru, tampok din sa serye sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

Huwag palampasin ang dambuhalang adventure serye sa Philippine primetime na Lolong, malapit na sa GMA Telebabad.