TV

'Lolong' stars, naka-quarantine na bilang paghahanda sa pagbalik sa lock-in taping

By Marah Ruiz

Nakatakda nang magbalik sa lock-in taping ang cast at crew ng upcoming action-adventure series na Lolong.


Kanya-kanyang post tungkol sa pagsisimula ng kanilang one week hotel quarantine ang ilang lead stars nito.

Si Ruru Madrid, ipinasilip ang kuwarto na magsisilbing tahanan niya ng ilang araw.

"My home for 8 days ️ #LetsGoTeamLolong ," sulat niya.


Si Shaira Diaz naman, binibilang na ang mga araw na mawawalay siya sa kanyang pamilya.

"And the '57 days' away from [home] begins. #D1," saad niya sa caption ng kanyang post.


Ipinasilip naman ni Paul Salas ang mga gamit na inimpake niya para sa kanyang quarantine.

"READY. #QuaranThings," sulat niya sa slideshow niya sa Instagram.


Matatandaang sa isang hacienda resort sa Quezon ang nagsisilbing set ng serye.

Kuwento ito ng binatang si Lolong, role ni Ruru, na may kakaibang kakayanang makipag-usap sa isang dambuhalang buwayang si Dakila.

Bukod sa kina Ruru, Shaira, at Paul, bahagi din ng bigatin at star-studded cast sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, Ian de Leon, Mikoy Morales, DJ Durano, Marco Alcaraz, at Maui Taylor.

May special participation din sa serye sina Leandro Baldemor and Priscilla Almeda.

Abangan ang Lolong, dambuhalang adventure-serye sa Philippine primetime, soon on GMA Telebabad.