TV

MUST-SEE: Paul Salas, umakyat ng puno ng niyog bilang isa sa mga stunts sa 'Lolong'

By Marah Ruiz

Talagang maaksiyon ang mga eksena sa upcoming GMA Telebabad adventure series na Lolong.

Minsan nang ibinahagi ng lead star nitong si Ruru Madrid na siya mismo ang gumagawa ng ilang stunts para sa serye.

Ganito rin ang kanyan co-star na si Paul Salas na nagbahagi ng ilang litrato mula sa lock-in taping sa kanyang Instagram account.

Source: paulandre.salas (IG)


Sa kanyang post, makikitang nakapuwesto si Paul malapit as puno ng niyog habang may nakasukbit na itak sa kanyang baywang. Sa susunod ng pictures, makikitang tinutulungan siya ng crew na umakyat sa puno hanggang sa makayanan na niyang sumampa nang mag-isa dito.

"Baka mahulog ako… Sayo ," pabirong sulat ng aktor sa caption ng kanyang post.


Ang Lolong ay kuwento ng binatang si Lolong, role ni Ruru, na may kakaibang kakayanang makipag-usap sa isang dambuhalang buwayang si Dakila.

Gumaganap dito si Paul bilang Martin, ang anak ng isang makapangyarihang pulitiko sa kanilang probinsiya.

Bukod sa kina Ruru Paul, bahagi din ng bigatin at star-studded cast sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher, Jean Garcia, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, Ian de Leon, Mikoy Morales, DJ Durano, Marco Alcaraz, at Maui Taylor.

May special participation din sa serye sina Leandro Baldemor and Priscilla Almeda.

Abangan ang Lolong, dambuhalang adventure-serye sa Philippine primetime, soon on GMA Telebabad.

Samantala, silipin ang 45-day lock-in taping ng Lolong dito: