GMA Logo Ruru Madrid injury
What's on TV

Lock-in taping ng 'Lolong,' naantala dahil sa injury ni Ruru Madrid

By Marah Ruiz
Published March 8, 2022 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid injury


Sa susunod na buwan itutuloy ang lock-in taping ng 'Lolong' para mabigyan ng oras gumaling ang injury ni Ruru Madrid.

Na-injure si Kapuso actor Ruru Madrid habang gumagawa ng isa sa mga stunts ng upcoming action-adventure series na Lolong.

Nagtamo siya ng hairline fracture sa kanyang kanang paa at kinakailangan itong lagyan ng cast. Dalawa hanggang apat na linggong pahinga ang inirekomenda ng mga doktor para maghilom ang fracture ni Ruru.

Dahil dito, bahagyang naantala ang dapat sana ay huling lock-in taping ng Lolong na may anim na araw pang nalalabi.

Ipagpapatuloy naman ito sa susunod na buwan para mabigyan ng tamang oras na makapagpagaling si Ruru.

Ikinalungkot ni Ruru ang panibagong delay sa kanilang serye pero sinusubukan na lang daw niyang mag-concentrate sa pagpapagaling.

Ibinahagi ng aktor ang ilang litrato mula sa set nang maaksidente siya at nagpasalamat sa mga nagbigay ng suporta sa kanya.

"I had a minor accident a couple of days ago while taping for our upcoming show… As per the doctor's advice, this hairline fracture requires a cast and 2-4 weeks rest. It's unfortunate that we are packing up for now and resuming in about a month… Sad news.. but as a person who always tries to see the good in unfortunate situations, I guess I just need to remind myself that everything happens for a reason.

"Salamat po sa lahat ng nagbigay ng panalangin, pagmamahal at suporta sakin. Mahal ko kayo," sulat niya sa caption ng post.

Isang post na ibinahagi ni Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Ilang mga kaibigan at kapwa artista rin ni Ruru ang nag-iwan ng kanilang mensahe para sa aktor sa comments ng kayang post.

Ang Lolong ay kuwento ng binatang si Lolong, role ni Ruru, na may kakaibang kakayanang makipag-usap sa isang dambuhalang buwayang si Dakila.

Bukod sa kina Ruru, bahagi din ng bigatin at star-studded cast sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, Ian de Leon, Mikoy Morales, Paul Salas, DJ Durano, Marco Alcaraz, at Maui Taylor.

May special participation din sa serye sina Leandro Baldemor at Priscilla Almeda.

Abangan ang Lolong, dambuhalang adventure-serye sa Philippine primetime, soon on GMA Telebabad.

Samantala, silipin ang 45-day lock-in taping ng Lolong dito: