GMA Logo Ruru Madrid
Image Source: rurumadrid8 (Instagram)
What's on TV

Airing ng 'Lolong,' hindi made-delay sa kabila ng injury ng lead star na si Ruru Madrid

By Marah Ruiz
Published March 21, 2022 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Ayon sa GMA exec na si Nessa Valdellon, hindi made-delay ang airing ng 'Lolong' sa kabila ng injury ng bida nitong si Ruru Madrid.

Bahagyang naantala ang huling lock-in taping ng up upcoming action-adventure series na Lolong.

Na-injure kasi ang lead star nitong si Ruru Madrid.

"Si Ruru kasi magaling 'yan. He likes to do his own stunts as much as possible although he has a stunt double. Mayroon siyang very simple stunt na ang nangyari, na-twist 'yung ankle niya," lahad ni GMA First Vice President for Public Affairs Nessa Valdellon.


Nilinaw din ni Valdellon ang extent ng natamong injury ni Ruru. Una nang naiulat na nagkaroon ang aktor ng fracture sa kanyang kanang paa pero muli daw nilang dinala sa Ruru sa ospital para sa second opinion.

"On the the first set of x-rays, akala namin fracture because the doctor seems to have seen a fracture. Noong pumunta naman sa St. Luke's [Medical Center] for second opinion, hindi naman pala fracture. It's just a sprain. Thank God!" paliwanag niya.

Dahil dito, hindi na kailangan ilagay sa isang cast ang paa ni Ruru at mas maikli na rin ang recovery time nito.

Kaya malapit na rin silang magbalik sa taping at hindi ito magdudulot ng delay maging sa airing ng Lolong.

"We'll be back to taping very soon. He's okay. He's healing. Very soon we'll be back to taping. Last six days na lang [ng taping] so hindi maapektuhan 'yung schedule ng airing," ani Valdellon.

Samantala, nagbahagi na rin si Ruru ng ilang litrato at video niya habang nagwo-workout kasama ang kanyang coach na si Ghel Lerpido.

Tila nagpapalakas na ang naghahanda sa pagbabalik ng trabaho si Ruru.

Abangan ang Lolong, dambuhalang adventure-serye sa Philippine primetime, soon on GMA Telebabad.

Samantala, silipin ang 45-day lock-in taping ng Lolong dito: