GMA Logo ruru madrid on lolong
What's on TV

Matitinding action scenes ni Ruru Madrid, masisilip sa bagong teaser ng 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published June 8, 2022 8:00 PM PHT
Updated June 8, 2022 8:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid on lolong


Bukod sa action scenes ni Ruru Madrid, may patikim din sa ilang nakaiintrigang elemento ng kuwento ang bagong teaser ng 'Lolong.'

Talagang hitik sa aksiyon ang upcoming dambuhalang adventure serye sa Philippine primetime, ang Lolong.

Batid na batid 'yan sa panibagong teaser na inilabas ngayong gabi, June 8.

Makikita dito si Lolong, gagampanan ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid, na tumatakbo, tuma-tumbling, at nakikipaglaban sa ilang armadong tauhan.

Ilang nakaiintrigang elemento ng kuwento rin ang ipinasilip sa bagong teaser.

Ano kaya ang mga Atubaw at bakit sila gustong ubusin ng mga armadong lalaki?

Bakit naging berde ang mata at tila nawala kaagad ang sugat ni Lolong? May sikreto ba sa kanyang katauhan?

Ang Lolong ay kuwento ng pangkaraniwang magniniyog na si Lolong, na matutuklasan ang 'di pangkaraniwang kakahayan niyang makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.

Abangan ang Lolong, ngayong July na sa GMA!

Samantala, silipin ang 45-day lock-in taping ng Lolong dito: