GMA Logo Viral crocodile Dakila
Image Source: gmapublicaffairs (IG)
What's on TV

Buwayang pinagkaguluhan ng mga motorista at nag-viral online, animatronic prop pala para sa 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published June 27, 2022 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Viral crocodile Dakila


Pinagkaguluhan sa daan at nag-viral ang isang malaking buwaya na animatronic prop pala para sa upcoming action-adventure series na 'Lolong.'

Isang malaking buwaya ang namataan sa Antipolo at maging ilang bahagi ng Metro Manila tulad ng Marikina, Pasig, Mandaluyong at Quezon City.

Nakasakay ito sa isang truck habang nakatali at nakapiring. Pinagkaguluhan ito ng mga motorista na napapatigil pa para kunan ng litrato at agad pang nag-viral sa social media.

Ngunit hindi pala ito tunay na buwaya kundi isang animatronic prop para sa dambuhalang adventure-serye na Lolong.

Inilibot ito ng programa sa isang "surprise parade" para magbigay-pugay sa effects, production design at production teams na nagpakita ng husay sa paggawa sa naturang animatronic.

Ang buwayang ito ay nagngangalang Dakila at "co-star" ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid sa serye.

Sinalubong ni Ruru si Dakila at nag-pose pa kasama nito nang makarating ito sa GMA Network Center sa Quezon City.

Si Dakila ay isang animatronic crocodile na 22 feet ang haba. Fiberglass ang katawan nito habang silicone naman ang ginamit para mas maging realistic ang balat nito.

Napagagalaw ito sa pamamagitan ng pneumatic technology o 'yung pagbubuga ng compressed air sa makinarya nito. Umaabot ng hanggang 14 tao ang kailangan para mapagalaw si Dakila.

Si Dakila ay dinisenyo ng Tawong-Lipod Creative Studio, na kilala sa paggawa ng special at practical effects para sa telebisyon at mga pelikula.

Ito ang pinakamalaking animatronic prop na gagamitin ng GMA para sa isang proyekto sa Philippine primetime.

Panoorin ang report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras.

Ang Lolong ay kuwento ng pangkaraniwang magniniyog na si Lolong, na matutuklasan ang 'di pangkaraniwang kakayanan niyang makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.

Huwag palampasin ang Lolong, simula ngayong July 4, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad!

Samantala, silipin ang ilang nakakamanghang trivia tungkol sa serye dito: