TV

Cast at crew ng 'Lolong,' sinikap na hindi mabigo ang vision ni Jessica Soho

By Marah Ruiz

Hindi itinatago ng dambuhalang action-serye ng primetime na Lolong ang mga pagsubok na hinarap ng produksiyon nito.

Kabilang dito ang injury sa set ng lead star nitong si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid, pagpo-positibo ng ilang miyembro ng cast at crew sa COVID-19 at ilang cycles ng lock-in taping.

Kaya naman very proud ang lahat ng involved sa Lolong sa kinalabasan ng serye na mapapanood na sa GMA Telebabad simula ngayong July 4.

Para kay Ruru na gumanap sa show bilang ang titular na Lolong, isang malaking bagay daw ang pinanghawakan nila para hindi sila panghinaan ng loob.

"Ang pangit ng mga nangyayari [sa production ng Lolong]. Pinanghahawakan lang namin dito, Kuya Nelson, is the project itself, the story. Ang story kasi nito siyempre kinonceptualize ng walang iba kung hindi si Miss Jessica Soho," bahagi ni Ruru sa podcast na Updated with Nelson Canlas.

Ang kuwento ng Lolong ay nagmula sa isang ideya ng award-winning broadcast journalist at Kapuso new pillar na si Jessica Soho.

Mula naman ang ideyang ito sa mga mga kuwento ng mga buwaya at tao na nafi-feature niya sa kanyang top-rating at always trending na magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Idinebelop naman ni Assistant Vice President for GMA Public Affairs LJ Castel ang kuwento bago ito pinalago ng writers ng Lolong.

Dagdag pa ni Ruru na malaking bagay daw para sa kanila na hindi mabigo ang orihinal na vision ni Jessica Soho.

"'Yun na lang ang pinanghahawakan namin dito kung bakit kami ganoon na lang nagta-trust dito sa project na 'to. Kahit na ang dami na naming delays, ang daming nagpo-positive [sa COVID-19], ang daming nangyayari pero still nakahawak pa rin kami dito. 'Yun 'yung bagay na masasabi kong proud ako kasi wala ngang bumitaw," lahad ng aktor.

Ang Lolong ay kuwento ng pangkaraniwang magniniyog na si Lolong, na matutuklasan ang 'di pangkaraniwang kakayanan niyang makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.

Huwag palampasin ang Lolong, simula ngayong July 4, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad!

Samantala, silipin ang ilang nakakamanghang trivia tungkol sa serye dito: