TV

Ruru Madrid, may pasilip sa mga eksena nila ng animatronic crocodile na si Dakila sa 'Lolong'

By Marah Ruiz

Ibinida ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid ang animatronic crocodile na si Dakila. Ito ay bahagi ng upcoming na dambuhalang adventure-serye sa primetime na Lolong.

Nagpost ang aktor ng ilang behind-the-scenes photos nila ni Dakila habang nasa isang ilog para sa isang eksena sa show.

"Hello from me and My bestfriend Dakila! ," sulat niya sa Instagram.

Makikita sa mga pictures na ibinahagi ni Ruru na maaaring mabasa at kayang lumutang sa tubig ni Dakila.

Image Source: rurumadrid8 (Instagram)



Matibay ito at maari pang sakyan ng isang tao--bagay na bahagya nang nakita na rin sa trailer ng Lolong kung saan napanood si Ruru na nakatayo sa likod ni Dakila habang lumalangoy ito sa ilog.

Image Source: rurumadrid8 (Instagram)



Very realistic din ang katawan at balat ni Dakila lalo na nang nasa tubig ito.

Image Source: rurumadrid8 (Instagram)



Sa katunayan, ilang tao din ang nag-akalang totoo ito nitong nakaraang weekend.

Pinagkaguluhan at nag-viral si Dakila noong mamataan ito na sakay ng isang truck sa Antipolo at ilang bahagi ng Metro Manila tulad ng Marikina, Pasig, Mandaluyong at Quezon City.

Si Dakila ay isang animatronic crocodile na 22 feet ang haba. Fiberglass ang katawan nito habang silicone naman ang ginamit para mas maging realistic ang balat nito.

Napagagalaw ito sa pamamagitan ng pneumatic technology o 'yung pagbubuga ng compressed air sa makinarya nito. Umaabot ng hanggang 14 tao ang kailangan para mapagalaw si Dakila.

Si Dakila ay dinisenyo ng Tawong-Lipod Creative Studio, na kilala sa paggawa ng special at practical effects para sa telebisyon at mga pelikula.

Ito ang pinakamalaking animatronic prop na gagamitin ng GMA para sa isang proyekto sa Philippine primetime.

Ang Lolong ay kuwento ng pangkaraniwang magniniyog, na matutuklasan ang 'di pangkaraniwang kakayanan niyang makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.

Huwag palampasin ang Lolong, simula ngayong July 4, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad!

Samantala, silipin ang ilang nakakamanghang trivia tungkol sa serye dito: