TV

Ruru Madrid, pinasalamatan ang dalawang leading ladies ng 'Lolong'

By Marah Ruiz

Bukas na mapapanood ang dambuhalang adventure-serye sa primetime na Lolong.

Hindi naman pinalampas ng lead star nitong si Ruru Madrid na pasalamatan ang dalawang leading ladies niya sa show na sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

"Maraming salamat sa inyong dalawa @shairadiaz_ @arrasanagustin sa pagmamahal at suporta natin sa bawat isa. I didn't expect na magiging ganito ang pagiging magkaibigan natin. Habang buhay na ito hindi lang sa taping

"Abangan sina Elsie at Bella sa Lolong bukas na! ," sulat ni Ruru sa Instagram kasama ang ilang pictures niya kasama ang dalawang aktres.

"This is it!! Congrats, Rumads! Deserve mo to! We appreciate you, Lolong!! ," sagot naman ni Arra sa comment section ng post ni Ruru.

Nag-iwan din dito si Shaira ng mesahe niya para sa aktor.

"Hahahaha hindi talaga taping friend salamat din sayo Rurs sa masayang pakikipagtrabaho at samahan this is it! Congrats satin!!!!," aniya.

Ang Lolong ay kuwento ng pangkaraniwang magniniyog na si Lolong, na matutuklasan ang 'di pangkaraniwang kakayanan niyang makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.

Si Ruru ay si Lolong, habang si Shaira naman ang kababata niyang si Elsie. Si Arra naman ay si Bella, isang travel vlogger na darating sa Tumahan at mamamagitan sa kanila.

Huwag palampasin ang world premiere ng Lolong ngayong July 4, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad!

Samantala, silipin ang ilang nakakamanghang trivia tungkol sa serye dito: