
Magiging maaksiyon na muli ang primetime kasama ang upcoming action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Ito ang pangalawang season ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show na Lolong.
Magbabalik dito si primetime action hero Ruru Madrid para muling bigyang-buhay ang kuwento ni Lolong at ng mga Atubaw--lahi ng mga tao na may malalim na koneksiyon sa mga buwaya.
Gamit ang kanyang kakaibang mga kakayanan tulad ng pambihirang lakas at mabilis na pagpapagaling sa sarili, poprotektahan niya ang bayan ng Tumahan.
Kasama pa rin niya ang kaibigan niyang si Dakila, isang dambuhalang buwaya.
Bukod kay Ruru, marami pang mula sa original cast ang magbabalik sa pangalawang season tulad nina Shaira Diaz, Jean Garcia, Rochelle Pangilinan, Alma Concepcion, at Mikoy Morales.
Madaragdag naman bilang mga bagong karakter sina John Arcilla, Martin del Rosario, Rocco Nacino, Klea Pineda, Rodjun Cruz, Nikki Valdez, Leo Martinez, Nonie Buencamino, Tetchie Agbayani, Bernadette Allyson, Nikko Natividad, at marami pang iba.
KILALANIN ANG CAST NG 'LOLONG: BAYANI NG BAYAN' SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, January 2025 sa GMA Prime.
Balikan ang unang season ng Lolong: GMANetwork.com/Lolong