GMA Logo Jean Garcia
Image Source: chic2garcia (Instagram)
What's on TV

Jean Garcia, hanga sa sipag ni Ruru Madrid

By Marah Ruiz
Published January 14, 2025 10:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jean Garcia


Hanga si Jean Garcia sa sipag ng kanyang 'Lolong: Bayani ng Bayan' co-star na si Ruru Madrid.

Magbabalik ang aktres na si Jean Garcia sa upcoming action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Muli niyang bibigyang-buhay dito ang karakter ni Dona Banson, asawa ng isang makapangyarihang pulitiko pero ngayong ay nakakulong na.

Sisikapin niyang maghiganti sa bida ng seryeng si Lolong, na muling gagampanan ni primetime action hero Ruru Madrid.

Image Source: gmaregionaltv (Instagram)



Masaya si Jean makatrabaho muli si Ruru Madrid na minsan na niyang inilarawan bilang mahusay na leader noong nag-lock-in taping sila sa unang season ng Lolong.

Lubos din niyang ikinagalak ang pagkapanalo nito bilang Best Supporting Actor para sa award-winning film na Green Bones nitong nakaraang 50th Metro Manila Film Festival.

"Magaling na aktor! Ang laki na (ng improvement). Mula noon hanggang ngayon, malaki ang pagbabago. Saka 'yung doble sipag siya eh, parang 10 times pa nga 'di ba? Napakasigpag na bata," papuri ni Jean kay Ruru.

Bukod dito, humanga siya sa sipag ng aktor na halos sunud-sunod ang naging mga proyekto.

"Biro mo after niya ng Black Rider, sandali lang siya nagpahinga, gumawa niya ng pelikula. Pero habang ginagawa niya 'yung pelikula, nagte-training siya for Lolong. Ang hirap noon 'di ba? Nagte-training ka for Lolong pero gumagawa ka ng ibang chracter na naman na malayo sa Lolong. Iang Ruru naman 'yung napanood sa Green Bones eh. Nakakatuwa si Ruru," sambit niya tungkol sa co-star.

SILIPIN ANG PAGHARAP NG CAST NG LOLONG: BAYANI NG BAYAN DITO SA MEDIA DITO:



Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, simula January 20, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Balikan ang unang season ng Lolong: GMANetwork.com/Lolong