GMA Logo Ruru Madrid
What's on TV

Ruru Madrid, handog ang 'Lolong: Bayani ng Bayan' sa mga Pinoy na araw-araw lumalaban

By Marah Ruiz
Published January 17, 2025 10:10 AM PHT
Updated January 17, 2025 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Handog ni Ruru Madrid ang 'Lolong: Bayani ng Bayan' sa mga Pilipinong lumalaban sa pagsubok sa araw-araw.

Mas exciting at mas maaksiyon pa ang upcoming action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Ayon 'yan sa bida nitong si primetime action hero Ruru Madrid na magbabalik sa serye bilang si Lolong, isang Atubaw na protektor ng bayan ng Tumahan.


"Mga Kapuso, inaanyayahan ko po kayong lahat ng suportahan at abangan ang panibagong yugto ng Lolong: Bayani ng Bayan this coming January 20 na po, after po 'yan ng 24 Oras. Kung nagustuhan niyo po ang unang season ng Lolong, talagang sinisigurado po namin sa inyo na mas malaki ito, mnas maraming pasabog, mas matindi ang bawat eksena so dapat niyo po itong tutukan," pag-imbita ni Ruru.

Aminado si Ruru na pressured siya sa pangalawang season ng programa lalo na at naging lubos na matagumpay ang unang season nito.

"'Yung pressure, hindi naman 'yan mawawala in every project na ginagawa natin. To be honest, ako, ayokong mawala siya sa akin dahil 'yun 'yung nagsisilbing guidance sa akin na hindi ako makampante, na lagi ko pa ring ipu-push 'yung limits sa sarili ko," bahagi niya.

"But at the same time, nangingibabaw 'yung excitement kaysa doon a pressure na 'yun kasi for me, it's not just about the numbers, the ratings, or kung ano man. For me, 'yung makapag-iwan ka ng marka sa bawat manonood, 'yun po 'yung pressure niya sa akin," dagdag pa niya.

Kaya naman alay ni Ruru sa mga ordinaryong Pilipino na tulad ni Lolong ay nagsisikap bawat araw para sa mga mahal nila sa buhay.

"Para po sa inyo ang programang ito. Para po sa lahat ng ordinaryong Pilipino na lumalaban sa bawat pagsubok sa araw-araw. Para po sa inyo 'to, sana po magustuhan niyo," lahad ni Ruru.

KILALANIN ANG IBA PANG MGA ARTISTANG MAKAKASAMA NI RURU MADRID SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN DITO:



Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, simula January 20, 8:00 p.m. sa GMA Prime.



May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.