
Mas lumaki pa ang cast ng upcoming action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Isang bagong adisyon sa stellar cast ang aktor na si Boom Labrusca.
Ito ang unang pagkakataon niyang makakatrabaho si primetime action hero Ruru Madrid na magbabalik sa serye bilang ang bidang si Lolong.
Ibinahagi ni Boom sa media conference ng Lolong: Bayani ng Bayan ang first impression niya kay Ruru.
Image Source: gmanetwork, sparklegmaartistcenter (Instagram)
"Sa lahat ng bidang nakatrabaho ko, ito, napakabait, sobra. Sobrang bait talaga. Sabi ko nga sa kanya, 'Alam mo, parang hindi ka bida umarte.' Sobrang totoong tao lang siya sa set. 'Yung set namin, sobrang saya," papuri niya kay Ruru.
Bukod dito, humirit pa si Boom kay Ruru tungkol sa susunod nitong mga teleserye.
"Kung nakadalawa na [projects] sa 'yo si Victor [Neri], puwede bang makadalawa rin ako sa next project ko?" biro ni Boom.
"Okay ba brother? Hindi, gawin mo nang tatlo! 'Di naman ako maarte eh," dagdag pa niya.
Gaganap si Boom sa serye bilang si Senior Inspector Jose dela Vega, pulis na may matinding galit sa mga Atubaw, ang lahi ni Lolong.
SILIPIN ANG PAGHARAP NG CAST NG LOLONG: BAYANI NG BAYAN DITO SA MEDIA DITO:
Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, simula January 20, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.