
Mas matindi na ang bakbakan sa susunod na mga episodes ng action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Pati si Kapuso actor Rocco Nacino na gumaganap sa serye bilang alkalde ng Tumahan na si Mayor Flavio, sumabak na rin sa fight training.
Ipinasilip ni Rocco ang paghahanda sa kanyang fight scenes sa isang maikling video sa Instagram.
Mapapanood dito na nire-review niya ang ilang moves kasama ang stunt team ng serye habang nasa loob sila ng tent.
Ayon sa bida ng serye na si primetime action hero Ruru Madrid, maraming mga exciting na bagay ang dapat abangan sa Lolong: Bayani ng Bayan.
Isa na diyan ang pagpasok dito ng viral sensation at ToRo Family member na si Mikay.
Sa ika-apat na linggo nito, darating na ang oras ng paniningil.
Aatakihin ng Atubaw na si Nando (Nonie Buencamino) at ng mas pinalakas niyang puwersa ang isang pagtitipon para puntiryahin si Julio (John Arcilla), ang taong dumukot, nagpahirap, at nag-eksperimento sa mga Atubaw.
Dahil dito, makakaharap ni Lolong (Ruru Madrid) sa labanan ang sarili niyang lolo na si Nando.
SAMANTALA, SILIPIN ANG FILIPINO MARTIAL ARTS TRAINING NINA RURU MADRID, MARTIN DEL ROSARIO, AT PAUL SALAS PARA SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN SA EXCLUSIVE GALLERY NA ITO:
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.