
Muling magtutuos sina primetime action hero Ruru Madrid at Kapuso actor Jon Lucas sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Tila reunion project ito ng dalawa na dati nang nagkatrabaho sa top-rating full action series na Black Rider na pinagbidahan ni Ruru bilang vigilate na si Elias, habang si Jon naman ang numero unong kontrabida na si Calvin.
"Lagi akong excited. Totoo 'to! Lagi akong excited makasama si Ruru sa isang eksena. Sabi ko nga sa kanya, wala na 'kong ibang kakilala na kasing passionate niya sa ginagawa. Sobrang nakakatuwa si Ruru. Sobrang proud na proud ako sa kanya. Ang layo na ng narating niya," papuri ni Jon sa kaibigan at co-star.
Pati si Ruru, masayang muling makatrabaho si Jon.
"Hindi ko rin alam kung bakit pero hindi na 'ko makapaghintay na muli siyang makaharap," lahad ni Ruru.
Ipinakilala naman ni Ruru ang karakter ni Jon na makakabakbakan na karakter niyang si Lolong.
"Makatrababo ko ang nag-iisang Jon Lucas--Calvin, one and only--para sa natatatanging pagganap bilang Lizardo," aniya.
Si Lizardo ay isang fighter na sabak sa sabungan ng mga Atubaw.
Silipin ang paghahanda nina Ruru at Jon sa muli nilang patutuos sa exclusive video na ito.
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.