GMA Logo Waynona Collings in Lolong Bayani ng Bayan
Source: waynonacollings (IG)
What's on TV

Waynona Collings, nagbigay ng opinyon sa 'mixed signals'

By Marah Ruiz
Published March 11, 2025 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Timely Stephen Curry scoring helps Warriors defeat Mavericks
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News

Waynona Collings in Lolong Bayani ng Bayan


Ano ang gagawin ni Waynona Collings kung makatanggap ng "mixed signals" mula sa isang lalaki?

Kaunti pa lang ang experience ni young Sparkle actress Waynona Collings pagdating sa dating at relationships.

Hindi pa raw niya nararanasan na makakuha ng "mixed signals" o hindi malinaa na intensiyon mula sa isang lalaki.

"Kasi hanggang crush lang ako, hindi ko sila kinakausap. Konti lang naging crush ko, parang isa, dalawa," kuwento ni Waynona.

Kung sakali man daw maranasan niya ito, hindi na raw niya ito ie-entertain.

"Kung alam kong wala talaga siyang gusto sa'kin or like more on pinapakita niya is negative stuff, ako personally, hindi ko na siya hahabulin. Ladies, know your worth! Dapat be a gentleman," paliwanag niya.




Source: waynonacollings (IG)

Kasalukuyang napapanood si Waynona sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Gumaganap siya dito bilang Rain, ang anak ng underground crime lord na si Julio (John Arcilla).

May malubhang karamdaman si Rain kaya hindi siya maaaring lumabas ng bahay. Gayunpaman, susubukan pa rin niyang tumakas para maranasan ang buhay bilang normal na teenager.

Panoorin ang trailer para sa ika-walong linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan:



Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.