GMA Logo John Clifford at Waynona Collings
What's on TV

John Clifford at Waynona Collings, magkasundo sa kanilang 'perfect date'

By Marah Ruiz
Published March 13, 2025 4:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

John Clifford at Waynona Collings


Ano ba ang "perfect date" para kina John Clifford at Waynona Collings?

Mukhang compatible at maraming similarities sina Kapuso stars John Clifford at Waynona Collings.

Halos magkatugma kasi ang mga sagot nila nang tanunging kung ano ang "perfect date" para sa kanila.

Proud si John sa kanyang hometown kasi nais daw niyang makita din ito ng taong ka-date niya.

"Sa akin 'yung pinaka perfect date talaga, biased ako, so gusto ko sa Cebu kasi 'yun 'yung hometown ko. Gusto kong nasa beach kami, pinapasyal ko siya sa Cebu, sa hometown ko," bahagi niya.

Mahilig naman sa outdoors si Waynona kaya ganitong klaseng date ang gusto niya.

"Perfect date for me, nasa beach or nasa forest, picnic tapos kaming dalawa lang, no other people. That's my perfect date," lahad niya.



Magkatambal sina John at Waynona sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Gumaganap si Waynona dito bilang Rain, anak-mayaman na hindi makalabas ng bahay dahil sa malubha niyang sakit.

Si John naman ay si Ricky, lalaking tutulong sa kanya para maranasan ang normal na buhay ng isang teenager.

Panoorin ang trailer para sa ika-walong linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan:



Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.