GMA Logo Ruru Madrid
Source: gmapublicaffairs
What's on TV

Ruru Madrid, balik-trabaho na matapos ma-injure

By Marah Ruiz
Published April 4, 2025 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Balik-trabaho na si Ruru Madrid sa 'Lolong: Pangil ng Maynila' matapos magatamo ng injury.

Agad na nagbalik sa trabaho si primetime action hero Ruru Madrid para ipagpatuloy ang taping niya sa action-drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Ilang araw pa lang ang nakalipas matapos ma-injure ni Ruru ang kanyang hamstring habang ginagawa ang isang eksena sa serye.

Sinugod sa ospital ang aktor kung saan sumailalim siya ng iba't ibang tests para matukoy ang ang kalubhaan ng pinasalamang tinamo niya.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, nagbigay ng update si Ruru matapos niyang matanggap ang resulta ng kanyang tests.

Ipinaliwanag niyang nagkaroon siya ng grade 1 at grade 2 strain sa kanyang hamstring at kinakailangan nito ng dalawa hanggang tatlong linggo bago tuluyang gumaling.

Good news ito para kay Ruru dahil kung sakaling mas malala pa rito ang kanyang injury, tatagal ng hanggang isang buwan o higit pa ang kakailanganin niyang recovery time.

Sa ngayon, nagbalik na si Ruru sa trabaho para sa Lolong: Pangil ng Maynila.

Ibinalita niya ito sa pamamagitan ng Instagram stories kung saan nagbahagi siya ng selfie habang nasa sasakayan at patungo na sa set.


Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Lolong: Pangil ng Maynila, sanay na sa buhay sa siyudad si Lolong (Ruru Madrid).

Nagtatrabaho siya sa fish port sa umaga at isa namang armadong tauhan ng isang big time boss sa gabi.

Unti-unti niyang inuubos ang mga tauhan ni Julio (John Arcilla) bilang paghahanda sa kanyang paghihiganti.

Patuloy na panoorin si Ruru Madrid sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.