
Kabilang si ex-PBB housemate na si AC Bonifacio sa bagong adisyon sa primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.
Gaganap siya dito bilang Charm, isang special investigations unit agent. Dahil alagad ng batas ang kanyang karakter, napasabak din sa bakbakan si AC.
Ito raw ang first time niyang gumawa ng action at fight scenes.
"I'm not ready pero kakayanin ko po," bahagi ni AC.
Malaking bagay daw para sa kanya na very supportive ang mga katrabaho.
"Kinakabahan po talaga ako. I mean, that's how it is when you're put into a new environment but because of the people surrounding me, everyone's so welcoming," paliwanag niya.
Reunited naman si AC sa kapwa ex-PBB housemate at ka-duo sa Bahay ni Kuya na si Ashley Ortega.
Special agent din ang karakter ni Ashley na so Tony, at partners sila ng karkater ni AC na si Charm.
Ayon sa dalawa, hawig daw sa tunay na buhay ang tambalan nila sa serye.
"Kung pano kami sa loob ng Bahay ni Kuya as younger sister as an ate," paglalarawan ni Ashley.
"Ganoon din kami, parang Tony and Charm," dagdag ni AC.
Patuloy na tutukan ang Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.