GMA Logo Ruru Madrid
Photo Source: Ruru Madrid (IG)
What's on TV

Ruru Madrid, masaya sa mabilis niyang recovery

By Marah Ruiz
Published April 23, 2025 12:16 PM PHT
Updated April 23, 2025 12:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP: Over 270K cops, non-uniformed personnel to get P20k incentive on Dec. 19
Disasters afflict 720,000 students, teachers in Cebu in 2025
Oscars to begin streaming on YouTube in 2029

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Masaya si Ruru Madrid sa mabilis na recovery niya mula sa injury.

Halos normal na ang trabaho ni primetime action hero Ruru Madrid sa primetime series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Nakakalakad na siya ng maayos at hindi na kailangan ng wheelchair o saklay.

Mabilis daw ang naging recovery niya mula sa hamstring injury--bagay na ikinagalak niya at ng kanyang doctor.

"Nagulat din po siya actually na sobrang bilis po ng healing. But siyempre, sabi niya huwag ka pa rin magsa-stunts na magiging delikado at posibleng bumalik 'yung injuries. Sabi niya at least, ipahinga mo itong linggo na 'to 'tapos, try natin mag-MRI ulit. Kung healed na siya, maibigyan ako ng clearance," kuwento ni Ruru.


Ang kanyang co-star na si Rochelle Pangilinan muna ang pumuno ng action sa serye habang nagpapagaling si Ruru.

"Thankful ako na ganoon sila kaalaga sa amin. May medic naman tayo na nag-check kung okay ako bago ko umuwi ng bahay and then kinabukasan, chine-check pa rin nila ko kung kumusta ako," paliwanag niya.

Isa naman sa kinagigiliwan sa serye ngayong ang child actor na si Nathaniel Enaje na gumaganap bilang Butchoy.

Ayon kay Nathaniel, real life idol daw niya si Ruru.

"Kasi po, magaling po siyang umarte. Magaling din po siya mag stunts," lahad niya.

Malapit na ring malaman ang tunay na koneksiyon ng karakter nina Ruru at Nathaniel.

"Malinaw na. Alam na ng mga tao so abangan po natin kung paano ba mari-reveal ang lahat ng mga rebelasyon na 'yan. Papano ba 'yan lalabas," bahagi ni Ruru.

Patuloy na tumutok sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.